Kapag pera ang pinag-uusapan, mahirap talaga ang maghintay. Kung anu-ano ang maglalaro sa ating utak, kakaisip kung nawala na ang ating pera, na dapat sana ay kumikita. Mahirap talaga ang may nagbabago. Nakakalito. Nakaka-kaba. Nakakatakot. At yan halos ang nararamdaman ng karamihan sa mga members ng JBP na ngayon ay Profit Clicking (PC) na.
Noong isang taon, August din yon kung di ako nagkakamali, may kinaharap ding malaking pagsubok ang mga miyembro ng Just Been Paid. Kahit na mga 20,000 pa lang kami noon, hindi na rin nakayanan ng servers ang pagdami ng members. Kinailangan noon na pansamantalang TUMIGIL ang program. Anong ibig sabihin nito? Hindi makapag log in? Hindi lang po yun... Wala po talaga ang site. Hindi ito maglo-load. Offline talaga siya. Sa loob ng ANIM (6) na linggo.
Alam na alam ni Frederick Mann kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao. Maaaligaga sila. Kaya't binuksan niya ang conference room ng halos 24/7 para lang maibsan ang pangamba ng mga members. Si Anne Davies na dating moderator, halos hindi na natutulog para lang laging may tao sa conference room at patuloy na magbigay ng updates. Tatlo o lima lang yata ang moderators noon. Walang sawa na sumasagot ng mga tanong. At patuloy na nagsasabi na maghintay lang tayo. Maaayos din ang lahat. Nagbalik nga ang site matapos ang server upgrade. Intact ang pera. At nagkaroon ng unang RESTART.
Fast forward to August 2012. Naging Profit Clicking si Just Been Paid. Ang dating 20,000 members ngayon ay almost 3 million na. Kung ngayon mawawala ang PC site ng matagal, nakakabaliw. Tiyak yon. Kaya't pilit na ginagawang LIVE ang site na pwede mag log in para kahit paano ay makita na mga members na heto, hindi ito nawala.
Hindi ko lubos maisip kung ano ang ginagawa ng mga technical department, ng programmers para maisaayos ang lahat, simula sa migration ng mga account. Sa pagkaka-alam ko, hindi 100 ang programmers ng PC. Pero hanga ako sa ginagawa nila. At hanga ako dahil pinagkakagastusan ng kumpanya ang lahat ng ito... para saan? Para higit na lumago ang negosyo at patuloy itong kumita para sa mga miyembro nito.
Maraming baguhan ang nagsasabi na oo, kaya ng mga dati ng members ang mag-relax at di mangamba dahil nabawi na nila ang kanilang ginamit na pera sa program. Samantala ang mga baguhan, ni minsan di pa nakapag withdraw. Pero hindi ba rin nakakakaba kung dapat sana ay malaki pa ang iyong kikitain sa program at bigla na lang itong maglalaho? Hindi ba malaki din ang responsibilidad nila dahil sa mga taong hinimok nilang sumali sa JBP/PC na nagtiwala?
FAITH. Paniniwala. Yan ang malaking dahilan kung bakit marami ang sumali sa JBP at nagpatuloy hanggang sa ito ay maging Profit Clicking. Umalis man si Frederick Mann, hindi siguro siya papayag na ang lahat ng kanyang pinag-isipan, lahat ng kanyang plano ay basta na lang maglaho. Hindi nya ibebenta ang JBP kung masisira lang ang lahat.
Oo, mahirap. Na hindi mag-isip kung tutuloy pa ang program at kikita ka pa. Mahirap na hindi mag-alala lalo na kung pangarap mo, kung kinabukasan mo ang nakasalalay. Pero sana, patuloy ang pananalig na kabilang tayo sa isang napakalaking pagkakataon para mapabuti ang ating buhay at pagkatao.
Great post - thanks
ReplyDeleteVery well said Elzie Zola...Thanks
ReplyDeleteThanks Dhan and Joanne. I hope it will help allay fears.
ReplyDeleteHave patience in life. thanks ate zola
ReplyDeleteYes, patience developed sa PC will be a lesson we can use in life, too.
DeleteSa akin na pinagpalit ko ang trabaho ko sa JBP malaking bagay kung mawawala ang Jbp now PC pero tama ka Elzie, faith lang ang kailangan natin sa mga ganitong pagkakataon. Walang sense kung kailan na acquire ng mas malaking company ang Jbp saka nya ito isasara. No way.
ReplyDeleteWe came in on faith, Warren. So in my heart, I am keeping that faith.
DeleteThanks for sharing.. Lets have faith in PC.
ReplyDeleteang buhay parang sugal yan, ilang beses na ba tayong sumubok ng kung anu ano na kung saan eh madalas tayo ang nawawalan. nag pautang sa kaibigan, sabi magbabayad daw, taon n lumipas, d ka pa binabayaran, pag siningil mo ikaw pa ang masama. bumili ng mamahaling gadget, para lng sumabay sa uso, tpos ilang buwan pa lng, mananakaw sayo. manligaw ng babae, eh maluho, gastos dito gastos dun! bandang huli pinagpalit ka sa mas mayaman! ngayon sumugal ka sa JBP/PC, nahikayat ka ng kaibigan, kapamilya,o kung sino pa man. naglabas k ng pera! ngayon may nagyari n hindi mo inaasahan. nagkaroon ng delays ang site dahil sa improvement! anung gagawin mo? ilang beses ka ng nagtiwala! ilang bese ka ng nasaktan! pero diba kasama na sa buhay ng tao yun! d mo dapat isisi sa upline mo n nanghikayat sayo! d mo dapat isisi kay fred Mann! hindi mo din kailangan isisi sa SARILI mo! sumugal ka dba? paninidigan mo! BE POSITIVE! worst case scenario, which is hindi naman siguro mangyayari, MAWALA ang PC! anu gagawin mo? MOVE ON!!! yun lng... pero don't worry, let's give PC a chance!
ReplyDeletethanks nga pala ms elzie for the encouraging words
DeleteTama ka Drebcen. Life is about taking risks. Para di rin tayo dumating sa punto na ang tanong natin eh "what if?"
Deletekeep it up Ms. Elzie.. ^_^
ReplyDeleteAnother inspiring words from Ms Elzie.,Thanks po!! ^^,
ReplyDeleteSalamat Joel, Frialyne at Erica. :)
ReplyDeletetama..hindi kailangan maging negatibo sa bagay na pinasok mo.. maging matimpi lng tau sa lahat ng bagay, hindi minamadali at hindi dapat pangunahan..baka ang pang huhusga mo ng mali ay xa palang mag aangat sau sa buhay. keep it up Ms. Elzie ^-^
ReplyDeleteYun nga, Giselle! sana maisip yan ng iba. Salamat po!
DeleteThanks for posting this..I'm also new to profit-clicking. It's reassuring that you posted this, ur giving us an overview of the history of JBP. I almost thought it was another scam at the same time thought "wala naman akong ginastos" except register using my email and used the $10 they initially give us. But I believe its legit since I've seen members earn from this..Thank you and more power!
ReplyDelete