Ang kumita ONLINE, o gamit ang internet, ay konsepto na di pa rin naiintindihan ng marami. Kaya hindi nakapagtataka kung hindi maniniwala ang mga tao kapag sinabi mong pwedeng magkapera gamit lang ang computer at internet connection.
Ang Profit Clicking ay isang pagpapatunay pwede itong mangyari. Totoo, napakadami na ring online programs ang nagkalat, nakapaghikayat at tinakbuhan ang libu-libong tao na sumali sa kanila. Marami na ding nagbintang na isang SCAM ang PC at ang Just Been Paid na nauna dito. Siguro, depende na talaga sa kung sino ang nagpapatakbo o nagmamay-ari ng isang programa at kung ano ang tunay niyang hangarin.
Malaki pa din ang paniniwala ko na kaya't marami ang na-engganyong sumali sa JBP dati ay dahil kay Frederick Mann, na gumawa nito. Naramdaman ng mga tao ang sinseridad ni Mr. Mann kaya't sumali sila, naglagay ng pera sa programa, at hindi bumitaw kahit na nagkaroon ito ng mga aberya.
Isang malaking pagsubok ang nangyari na pagpapalit ng JBP sa PC. Lalo na't hindi na si Mr. Mann ang nagpapatakbo nito. Matagal walang kinita ang mga miyembro. At matagal bago naisaayos ang lahat. Hanggang ngayon marami pa din ang nagrereklamo, natatakot, kinakabahan. Okay pa bang maglagay ng pera sa Profit Clicking? Pero, heto pa rin siya, tuloy pa rin, mas pinaganda, mas pinalaki at mas katiwa-tiwala.
Nagyon, kung gusto mong madagdagan ang kita mo sa PC, malaki talaga ang magagawa ng referrals. Oo, pwedeng wala ka nito at limpak pa din ang kikitain mo. Pero, bakit mo lilimitahan ang sarili mo kung magagawa mo namang manghikayat ng iba, o makatulong sa iba gamit ang PC?
Ano ang pinaka-epektibong paraan para makapag-imbita sa PC? BELIEVE in the product. Gaya ng kahit anong produkto, kung hindi ka naniniwala dito, bakit mo naman ito ipamamahagi sa ibang tao, di ba? At paano mo makukumbinsi ang ibang tao na subukan ang produckto kung ikaw mismo ay hindi naniniwala dito?
Siguro kung ikaw ay napasali sa Profit Clicking dahil sa paniniwala na gagawin nito ang kanyang sinasabi, dapat ay matutunan mong lahat ng maaari para maibahagi mo din ang iyong karanasan sa programang ito. At yun ang pinakamahalagang sikreto para makakuha ng referrals.
Ang iyong karanasan sa PC ang pinaka-epektibong testimonya para ipakita sa ibang tao na totoong oportunidad ang PC. Maraming buhay na ang nagbago dahil dito, at yun pa din ang kanilang hangarin pangmatagalan.
Kaakibat ng PANINIWALA ay ang pagiging MATIYAGA, POSITIBO at MATULUNGIN. Huwag magsawa, mainip, magalit at maging mapanira kung hindi nyo agad nakukuha ang gusto niyo o ang sinasabing ibibigay sa inyo. Walang perpekto sa mundo, lalo na ang teknolohiya na tao din ang may gawa.
Kung madali kang masiraan ng loob, matakot o mainis, hindi para sa iyo ang Profit Clicking. Pero kung makakayanan mong baguhin ang iyong pananaw at handa kang harapin ang hamon ng PC, malayo ang mararating mo, di lang sa programang ito kundi pati sa buhay mo.
Well said mam elzie ^^
ReplyDeleteVery Inspiring
ReplyDeleteSalamat Chakulet at Vin...
ReplyDelete