Tuesday, September 11, 2012

Anong Bago sa Profit Clicking?

Hayan... para sa members ng Profit Clicking (dating Just Been Paid) nagbubunga na unti-unti ang paghihintay natin. Kahit na hindi pa din 100% fully functioning ang site, araw-araw ay merong bago na nadadagdag dito.

Oo, alam ko excited na ang lahat. Sobra!!! Pero hindi talaga pwedeng madaliin ang ganito kalaking proyekto na inaasahan nating magiging daan para tayo umasenso.

Sa ngayon, ano na ang pwedeng gawin sa PC bukod sa mag log-in?

1. Pwede nang ma-access ang MY WALLET section. Ano ito? Basta usapang PERA, dito tignan. Nahahati sa 3 ang WALLET: ACCOUNT BALANCES kung saan makikita ang laman ng AD Packages section, PC Panels section at yung WALLET balance mismo.

Ano-ano ito? Dati sa JBP, 2 lang ang pinaglalagakan ng pera natin: JSS Tripler at JSS Main (Traffic Exchange). yung kita at mga commission mula sa Triplers, nasa JSS Tripler page at yung pera mula sa matrices, pinasok mula sa payment processor at yung ilalabas na earnings nasa main JSS account naman.

Sa PC, katumbas ng JSS Tripler ang Ad Packages, at ang JSS main naman ay katapat ng PC Panels. Nadagdag ang WALLET.

Basta tandaan: Kung ilalabas nyo ang kinita mula Ad Packs at PC Panels, i-transfer sa WALLET BALANCE ang halagang ito.

2. Pwede nang mag BUY AD Packages. Ibig sabihin, yung pera na kinita hanggang sa August 20 na makikita na sa Ad Packages box ay magagamit nang pambili ng dagdag ng Ad Packs. Kung meron man kayong pera sa PC Panels dahil binalak nyong i-withdraw dati, pwede nyo din ipambili. O kung ayon na ulit ang TRANSFER (MOVE TO WALLET) function, ilipat na sa WALLET balance.

3. Makikita na rin ang listahan ng Ad Packs. Pero tandaan: natigil po ang kita ng mga ito mula August 21 nung magsimula ang paglipat sa JBP papuntang PC. Kaya wag tayo magtaka bakit ganun lang ang kinita natin sa loob ng 2 linggo.

4. Meron na ding EARNINGS HISTORY, o katumbas ng ACCOUNT MOVEMENT sa JBP. So yung biniling Ad Packs, mga commissions at yung daily earnings nakalista dun.

5. Active na rin ang SURFING or AD VIEWING. Tanong ng marami, para saan ba ito. Una, meron ad credits na katumbas ang bawat Ad Pack na binbili natin. So ginagamit yan para i-promote ang iba nilang online business o kahit offline business. Yan ang heart ng ating program. Yan ang dahilan kung bakit nagiging LEGAL ang Profit Clicking, kasi yan ang produkto natin.

Pangalawa, requirement sa bawat miyembro na gustong mag-withdraw ang mag view ng 25 ads. Ito ay good for 7 days o isang linggo. Ibig sabihin kung balak mong maglabas ng earnings mo, kailangan muna ang manood ng 25 na ADS. sandali lang naman ito. Kaya in 15 minutes, maximum.

So para dun sa mga nag-aalala, at kung anu-ano na ang iniisip tungkol sa Profit Clicking, heto na po. unti-unti nang bumabalik ang lahat.

Bukas makalawa, tuloy na ulit ang earnings. Tapos, pwede na din mag-WITHDRAW!

Lahat ay may proseso. Dapat lang igalang natin ito. Magtiwala. Wag mawalan ng pag-asa. Dahil nasisilip na natin ang masasayang araw!


1 comment:

  1. i applaud u Elsie and the other admins for being so resilient in answering all the members'queries no matter how silly those questions are...i am quietly on the side reading all your posts and learning a lot from them..kudos to you!

    ReplyDelete