At umaarangkada na ang Profit Clicking...
Yes, PC was only actually OFFLINE for around 2 weeks, then it came back ONLINE, pero a little at a time. Meaning, hindi sabay-sabay ang pag activate ng functions nito. Nauna ang magpa-sign up ng new referrals. Tapos ang bumili ng ad packs. Sumunod ang pagbayad ng earnings sa NEW ad packs. Hanggang sa umabot na sa withdrawals.
In truth, the site is still NOT 100% fully functional. There remain glitches and sometimes, members get confused about the figures they are reading in their dashboards. But for the effort put in by the executive team and the IT programmers especially, we salute you and thank you for all that is being done to make the program running again.
Ngayon, ang mga nabago sa pamamalakad ng PC... Para sa mga nasanay sa Just Been Paid, these changes may seem like a bitter pill to swallow. It used to be so easy to make money with JBP. Now, there are requirements to get your earnings. There are limits. There are revised rules.
1. AD VIEWING - The rule is view 3 ads to receive your daily earnings. That takes all of one (1) minute if your internet connection is running optimally. It could take 3 minutes, max. And once you've complied, you will earn 2% (weekdays) and 1% (weekends) for NEW ad packs and 1% (weekdays) and 0.5% (weekends) for OLD ad packs.
Ang daming reklamo sa rule na ito! Paano kung di nakapag view ng ad for the day? Hindi na ba ako kikita? Pwede ba na mag view ng maraming ads for 1 day para di na mag view ulit sa mga susunod na araw? Paano kung wala akong computer o laptop o internet?
So, ito para kumalma kayo: Kung hindi nakapag view ng 3 ads, walang kita. PERO, wala ding bawas sa buhay ng ad packs nyo. Sa ngayon, hindi na talaga basehan ang # of days sa pag expire ng mga ad packs. Ang batayan is kung kumita na ito ng 150% o $15.
Isa pa, kahit na 100 ang i-view mo sa isang araw, kailangan mo pa din mag SURF ng 3 sa susunod na araw para ka mabayaran.
2. WITHDRAWAL LIMITS - Kakabukas lang ng Withdrawal option. Ang bagong rule, may limit na $250 PER pay processor. Pero ONCE a day ka lang daw pwede mag withdraw at di ito pwede sundan unless na process na ang unang request mo. Medyo nakakalito itong rule na ito. Pero overall, what they are really doing is shoring up revenues so that the program can continue running and paying.
In the end, yun naman ang bottomline, ang magpatuloy ang Profit Clicking hanggang sa mga susunod na TAON.
3. LOWER EARNING PERCENTAGE for OLD AD PACKS - Ang tagal hinintay ng dati nang JBP members ang muling pagbabayad ng rebates para sa mga nauna nilang ad packs o Triplers. Inuna kasing bayaran ang bagong Ad Packs. Ikinatuwa ang announcement na isasali na din ito sa bayaran ng kita araw-araw. Pero hindi tulad ng bagong ad packs, 1% na lang ang matatanggap para dito tuwing weekdays, at 0.5% kapag Sabado at Linggo.
Sa makatuwid, mas hahaba ang panahon para mabuo ang $15 na kita ng isang ad pack. Di tulad ng dati na 81 days dahil 2% kapag weekdays at 1.5% pag weekends, ngayon, 10 cents tuwing Lunes hanggang Biyernes, at five cents na lang pag weekends.
At dahil din sa 3 ad view requirement, hindi na tamang basehan ang bilang ng mga araw bago mag expire ang ad packs. Ang babantayan na lang eh kung umabot na sa $15 ang kinita ng mga ito. Ang maturity o expiration ng isang ad pack ay mangyayari kapag naabot na nito ang 150% total earnings.
Bakit meron nang ad viewing requirement para kumita?
Advertising po talaga ang core ng Profit Clicking. Meaning, yan talaga ang plano para sa programa. Hindi nga lang agad na-implement ni Frederick Mann dahil sa biglang pagbulusok ng membership. Isa itong paraan para ma-legitimize ang program. At higit sa lahat, ito ang paraan para magdagdag ng revenue na paghahati-hatian ng mga miyembro na di lang nakasalalay sa pinapasok nilang pera.
PC sells traffic, or hits to programs or websites. This is online advertising. Parang sikat na television show ang Profit Clicking kaya dinudumog siya ng advertisers para ipalabas ang kanilang produkto. Pero para matugunan ang gusto ng advertiser, dapat may makakita ng ads nila. That is the ad viewing requirement. For 1 or 2 minutes a day, katumbas ng kahit na 40 cents a day, masama pa ba yon?
At malay mo, baka meron kang mahanap na site na informative o educational. O baka meron kang matipuhan na ibang online program. Hindi lang ito pabor sa advertiser, members can also gain from it, although not in the form of additional earnings.
Mga Dapat Tandaan:
1. Merong paunang $10 na bigay ang PC sa mga bagong sali na members nito. PIF money ang tawag dito. Pwede lang ito gamitin pambili ng unang ad pack para masubukan ang sistema ng Profit Clicking.
HINDI ito pwedeng i-WITHDRAW.
Pagkalipas ng 45 days mula nang mag sign up ang member, babawiin ang halagang ito. Kaltas sa Ad Pack balance ang lalabas, at kung kulang ang pera mo, ito ay magiging NEGATIVE balance. Patuloy na kikita ang Ad Pack hanggat ito ay umabot sa $15, pero $5 lang talaga ang matitira sa inyo kung hindi kayo magdadagdag ng ibang pondo o di kayo makakahanap ng referrals na magpapasok ng pera sa programa.
WALANG commission na matatanggap ang sponsors mula sa kanilang referrals na PIF lang ang ginamit para makabili ng ad packs.
2. Pwedeng maging referral ang inyong kapamilya o kaibigan. At pwede ring iisang computer at IP address lang ang gamitin. PERO...
Dapat ay may kani-kaniyang email address ang bawa't member. At dapat din meron sila sari-sariling payment processor account.
Tatlong bagong sign up lang sa ISANG araw ang pwede para sa isang IP address. Kung higit sa 3 ang sasali, sa susunod na araw na ito magagawa.
Marami pang reklamo tungkol sa programa. Kasi hindi pa nga ito ayos ng 100%. Matagal na ang pinaghihintay natin. Sana ay habaan pa natin ang pisi ng pasencya. Kasi makakarating din tayo sa nais nating puntahan.
Konting tiis na lang po! At baguhin na natin ang ating pag-iisip para sa ating tuloy na pag-asenso.
No comments:
Post a Comment